Tag Archives: truly rich club

Scam Na Naman!!!

Hi mga bes! May bagong video si Bro. Bo Sanchez tungkol sa mga scam na ginagamit ang pangalan at picture nya.

Mag ingat po tayo.

Panoorin nyo po ang video sa ibaba para malaman kung paano maiiwasan ang scam na ito.

Meron din po akong sinulat kung Paano Maiiwasan Ang Investment Scam.

Sa mga nagtatanong, isa po akong member ng Truly Rich Club at ang website ko po ay http://esthonwood.trulyrichclub.com

FREE TrulyRichClub Stock Market Webinar

Mga bes, magkakaroon ulit ng libreng Stock Market Webinar si Bro. Bo ngayong darating na December 18, 2016 at 2:00PM.

Plus, guest nya ang isa sa kanyang mga mentors na 42 years nang nag i-invest sa stock market. Ituturo nya ang lahat ng kanyang nalalaman kung paano ka makakapag retire na isang multimillionaire. Hongtoroy!

Click na dito to join, mga bes!

Paano Maiiwasan Ang Investment Scam?

Nakakalurkey, may mga nabiktima na naman ng investment scam!

Kamakailan lang ay napanood ko sa news ang tungkol kay Jose Cecilio Peñaflor na dating empleyado ng Philippine Stock Exchange. Nahikayat nya ang ilang ordinaryong investors na ipagkatiwala ang kanilang pinaghirapan at pinagpagurang pera sa kanya para sya ang mag invest nito. Ngayon, hinahabol sya ng mga naloko nya. Ang halaga ng kanyang natangay? Humigit kumulang na P330 milyon lang naman. Hay, grabeness!

Bakit nga ba naglipana ang mga ganitong scams?

Ang sagot: Dahil karamihan sa atin ay gusto ng madali o shortcut. Ayaw magpagod pero gusto agad ng hayahay na buhay. Hangga’t may mga taong gustong i-asa sa iba ang pag i-invest, hindi mawawala ang scam.

Kadalasang sinasabi ng mga scammer, “Ako ang bahala sa pera mo. I-invest ko yan sa churvaness at siguradong kikita ka ng doble o triple, pramis!”

Ang nakakalungkot ay kadalasang napapaniwala ng mga ito ang mga ordinaryong investors.

Stop giving your money to other people to make it grow for you. Do it yourself!

Kaya nga napaka importante ng Truly Rich Club eh, dahil tinuturuan nito ang mga masisipag na Pinoy kung paano mag invest ng hindi inaasa sa iba.

Narito pa ang tatlong “red flags“ ng investment scam:

1. Absurd Promised Returns (Nakakawindang Na Kita)

Ayon sa news report, may isang kamag anak si Peñaflor na nag invest ng P120,000 at sa loob lamang ng kalahating buwan ay kumita sya ng P180,000. Kaya naman ay nag invest pa ulit sya ng P300,000 at sa loob ulit ng kalahating buwan ay kumita sya ng P450,000. Ang totoo, hindi naman talaga binigay sa kanya ang kinita nya. Sinabihan lang sya na, “Ito ang halaga ng kinita mo. Gusto mo pa bang mag invest ng mas malaki?”

Ganyan din ang ginawa ng ibang scammers gaya ng Emgoldex, Aman Futures, at Legacy. Meron ding isang kumpanya sa Batangas na nanghikayat na mag invest ang bawat miyembro nila ng P888, at sa loob lamang ng apat na araw ay makakatanggap sila ng P1,300. Naglaho din na parang bula ang kumpanyang iyon, kasama ang P3 bilyong pisong naharbat nila sa mga tao.

Tandaan: Kapag sobrang laki ng kikitain mo sa loob lamang ng kaunting panahon, magtaka ka na. O kaya… takbo na!!!

If it’s too good to be true. It probably is!

2. Returns Are Guaranteed (Kung Makapangako, Wagas!)

Ang mga scammers na ito ay mag i-issue ng mga certificates o kaya ay post dated checks (PDCs), para makumbinse ka na garantisado ang iyong kita. Makukumbinse ka talaga dahil hawak mo na mismo ang certificate o PDC na nakalagay ang pangalan mo at ang halaga ng kinita mo! Ang problema, malalaman mo na lang na yung certificate pala na yun ay walang bisa, at ang checkeng hawak mo ay tumalbog.

Tandaan: Walang garantisado sa mundo. Lalo na sa investment, walang forever!

3. The First Investment Grew, But They Invite You To Invest More (Hashtag: InvestPaMore?)

Usually sa mga ganitong scam, kikita ng malaki ang unang perang ininvest mo. At yun nga, bibigyan ka nila ng certificate or PDC — minsan ay cash mismo ang ibibigay sayo — at pagkatapos ay tatanungin ka, “Gusto mo bang mag invest pa more?” Syempre ikaw naman papayag. Kumita ka agad ng malaki eh! So why not, chocnut?

Tandaan: Ang tanging sandata laban sa mga scams ay ang financial education. Aral aral din pag may time!

Kailangan matuto tayong mga Pinoy kung paano ang tamang pag invest para hindi natin ipagkatiwala sa ibang tao ang pinaghirapan at pinagpagurang pera. Kaisa ako at ang Truly Rich Club para tulungan kayong matuto sa tamang pamamaraan ng pag invest. Basahin nyo lamang po ang mga posts ko sa blog na ito at ‘wag po kayong mag atubiling magtanong sa akin.

Good luck and God bless 😀

Paano Sumali sa TrulyRichClub?

Hello! Alam mo na ba kung ano ang TrulyRichClub at kung ano ang koneksyon nito sa iyong stock market investment? Kung hindi pa, click this link. Kung alam mo na ang tungkol dito at interesado kang sumali, narito ang mga hakbang:

1. I-click mo ang link na ito.

2. Sa pag load ng page, may lalabas na popup tungkol sa libreng eBook ni Bro. Bo Sanchez. Ito ay tungkol sa kanyang mga milyonaryong katulong at driver. O ‘di ba, ang taray? Mag sign up ka lang kung gusto mo itong basahin.

Screen Shot 2015-05-13 at 2.04.31 PM

I-close mo ang popup by clicking on the “X” button sa kanang itaas nito o kaya ay i-press mo ang “Escape” key sa iyong keyboard.

3. Pwede mong basahin ang buong page or scroll mo lang pababa hanggang makita mo ito:

Screen Shot 2015-05-13 at 2.12.12 PM

4. Kapag ikaw ay nasa Pilipinas, i-click mo ang “Philippine Residents” button. Kung ikaw naman ay nasa ibang bansa, i-click mo ang “International Residents” button.

5. Ikaw ay mapupunta sa panibagong page. Sa bandang dulo ng page na ito ay may form:

Screenshot 2015-05-13 14.26.34

I-type ang iyong buong pangalan at e-mail address at pagkatapos ay i-click mo ang “Join Now!” button. May matatanggap kang e-mail galing sa TrulyRichClub na may karagdagang instructions.

Tadah! 🙂

Hiyehey, May Bagong Bidyo si Bro. Bo!

Kumusta mga friendship!? Nakita nyo na ba ang bagong video ni Bro. Bo? 8 minutes lang pero nakaka inspire. 🙂

Kahit hindi kayo sumali sa TrulyRichClub, panoorin nyo pa rin kasi magbabago ang iyong pananaw tungkol sa pera. You’ll be richer because of it. O diba, antaray? hihihi

‘Eto sya…

Para malaman mo kung paano mabago ang iyong financial at spiritual life, click the link below:

Yes, I want to know more!

Use the Magic of One Percent

Narito ang isang excerpt galing sa December 2014 Stocks Update ng the Truly Rich Club. Babala: ito ay nasa English kaya para maiwasang duguin ang ilong at mga tenga, ihanda ang diksyonaryo. Charot lang.

I know you understand the magic of compound interest.

I know you understand the magic of Peso Cost Averaging, and especially our very own SAM (Strategic Averaging Method)—which has the potential of earning you more than Peso Cost Averaging.

Why? Peso Cost Averaging is buying stocks every month and never selling. SAM is buying stocks every month using our Buy Below Price (and thus guaranteeing that you buy cheap) and selling (rarely) when we hit the Target Price. But today, I’d like to share with you the Magic of One Percent.

If you don’t know about it, then a fair warning: It will astound you. Here it is…

Let’s say Bert is 30 years old and recently joined the Truly Rich Club and started investing P5000 a month in the stock market. He did so until he reached the age of 60. If it grew his investments by 12 percent each year, Bert will have an amazing P16.2 million in the stock market.

But because Bert isn’t just doing Peso Cost Averaging but SAM (Strategic Averaging Method), his money doesn’t grow by 12 percent but by 13 percent a year. Do you know what that one percent difference will do?

Answer: Instead of P16.2 million, Bert will have P19.8 million.
The difference of P3.6 million came from the Magic of One Percent.

Let me make this more graphic. If Bert retires at age 60 with P16.2 million, and decides to live on the interest of his money, withdrawing four percent, that will be P648,000 living expenses for his first year. But if Bert retires with P19.8 million and withdraws four percent, that will be P792,000. That’s 22 percent extra for his expenses and charity work as a happy retiree.

Can I challenge you?

Bert’s example is flawed. In other words, I want you to beat his numbers and earn much more than Bert.

First, as your income increase, you should invest more. In my example, Bert invested P5000 from age 30 to age 60. You shouldn’t do that. Because as years go by, your income is expected to increase. So you should invest more too. If you do this, your money will grow exponentially too. If you do this, you’ll more likely end up with P25 million to P30 million when you retire.

Merry Christmas, mwuah!

Ano Ang Truly Rich Club?

Ang Truly Rich Club ay isang online membership club kung saan ay ginagabayan ni Bro. Bo Sanchez ang kanyang mga miyembro kung paano maging mayaman sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay.

Ang pagiging tunay na mayaman ay hindi lang sa dami ng pera. Walang kwenta ang yaman mo kung wala kang malusog na pangangatawan at sapat na enerhiya para ma-enjoy mo ito. Walang kwenta ang lahat ng pera sa mundo kung mag-isa ka lang. At ano ang silbi ng pera kung puro eyebags at tagihawat ang dulot nito dahil hindi ka makatulog ng mahimbing sa gabi?

“Being truly rich is being blessed in all areas of your life.”

‘Yan ang ginagawa ng Truly Rich Club. Ginagabayan ka kung paano maging abundant when it comes to financial, relationship and spiritual aspects of your life.

Bro. Bo Sanchez
Bro. Bo Sanchez

Pero teka, sino nga ba itong si Bro. Bo Sanchez? Well, s’ya lang naman ay isang best-selling author, entrepreneur, lay preacher at millionaire missionary. Kilala si Bro. Bo as the “Preacher in Blue Jeans”. Sa murang edad na 13, s’ya ay nag pe-preach na sa harap ng maraming tao. Early on, he has dedicated his life in the service of the Lord.

Maliban sa kanyang sikat na Catholic magazine na Kerygma, itinatag n’ya ang Light of Jesus Family. Nagtayo rin s’ya ng mga foundations at isa na rito ang Anawim, na isang kanlungan  para sa mga abandonadong matatanda. Sa sobrang bait nitong si Bro. Bo, maraming nagdadasal na sana ay ‘wag muna s’ya kunin ni Lord, chause!

Karamihan sa ating mga Pinoy ay naniniwalang masama ang pera. Ganon din dati ang paniniwala ni Bro. Bo. Para sa kanya, the only way to serve the Lord is to be poor. Pero paano mo matutulungan ang mahihirap kung parehas kayong kumakalam ang sikmura?

“The ultimate purpose of wealth is to love others.”

Gusto n’yang makatulong sa mga nangangailangan kaya s’ya nagdesisyong maging mayaman. Hindi ko na ikukuwento dito kung paano n’ya ito na-achieve, dahil walang panama ang Mara Clara sa haba ng kanyang istorya hehehe.

Anyways, so ano ang kinalaman ng Truly Rich Club sa pag invest sa stock market? Two words: Stocks Update.

The Stocks Update
An example of the Stocks Update

Ang Stocks Update ay isang newsletter na pinapadala sa bawat miyembro ng Truly Rich Club, dalawang beses sa isang buwan. Ito ay naglalaman ng isang listahan ng mga stocks na recommended ng Truly Rich Club. Nakalagay din dito ang kasalukuyang presyo ng stocks, Buy Below Price, Target Price, at ang payo kung ano ang gagawin mo sa bawat stock. Ang mga ito ay ginagamit para sa Strategic Averaging Method o SAM, na isa sa mga estratehiya para sa long-term investment.

Maliban sa stocks update, narito pa ang ilang mga bagay na matatanggap mo bilang miyembro ng Truly Rich Club:

1. Free eBooks

Marami nang nai-publish na mga libro si Bro. Bo, at isa na rito ang “My Maid Invests in the Stock Market” na isang true story. Tinuruan n’ya ang kanyang mga kasambahay at driver na mag invest sa stock market. Ang bali-balita sa ngayon ay may ilang daang libo na ang halaga ng investments ng kanyang mga katulong at driver. Naniniwala si Bro. Bo na kung kaya n’yang turuan ang kanyang mga maids na mag invest, kaya n’yang turuan ang kahit na sino.

Ang ilan sa mga libro ni Bro. Bo na mabibili sa mga bookstores ay libreng mababasa ng mga TRC members.

2. Power Talks

Ito ay mga recordings ng kanyang mga seminars at preachings tungkol sa mga bagay na dapat mong gawin at baguhin, para makamit mo ang buhay na gusto mo. Nakakaaliw at nakakatawang pakinggan si Bro. Bo sa kanyang mga seminars at preachings. Hindi s’ya boring at madaling maintindihan ang kanyang mga sinasabi.

3. Success Mentors Interview

Ito naman ang mga interviews ni Bro. Bo sa kanyang mga mentors at mga hinahangaang tao. Ang pinakauna n’yang nakapanayam ay ang kanyang mentor — at founder ng CitisecOnline — na si Mr. Edward Lee. Ikinuwento dito ni Mr. Lee kung paano s’ya naghirap dahil sa stock market at kung paano s’ya nakabangon. Wala lang, nakaka-inspire lang pakinggan hehehe.

4. Wealth Strategies Newsletter

Ito ang isa sa mga inaabangan ko bawat buwan. Ang newsletter na ito ay naglalaman ng mga ideya at mga dapat gawin para matulungan ka kung paano lumago ang iyong financial life. Marami silang tinatalakay bawat buwan tungkol sa iba’t ibang klase ng negosyo, mga insurance, mga investments at kung anek anek pa.

5. God Whispers E-mails

Dito naman ako tuwang tuwa kasi araw-araw ay nakakatanggap ako ng isang e-mail na may mensahe galing sa Diyos. O ‘di ba, high-tech na si Lord?

Actually, ito ay galing sa personal na experience ni Bro. Bo sa Diyos na sine-share n’ya araw-araw so you would be inspired, empowered and get closer to God.

6. TRC Social Network

Ikaw ba’y nalolongkot at walang makaosap? Pwes, i-post mo ang mga problemang ‘yan sa “Facebook” ng mga TRC members!

Hindi lang mga problema mo sa buhay ang tinatalakay dito. Lahat ng mga tanong mo tungkol sa stock market, insurance, investments at negosyo ay masasagot. Perfect ito lalo na kung ikaw ay baguhan pa lang sa investing kagaya ko. Napaka supportive ng mga tao dito at hindi ka maa-out of place dahil sobrang friendly silang lahat.

So, paano sumali sa Truly Rich Club? Simple lang, ‘teh!

  1. I-click mo ang picture sa ibaba tapos scroll mo ang page hanggang sa pinakadulo.
  2. Meron kang makikitang dalawang link para sa Philippine Residents at International Residents. Kung ikaw ay nandito lang sa Pinas, i-click mo ang Philippine Residents na link. Kapag nasa ibang bansa ka naman, i-click mo ang International Residents na link.

The Truly Rich Club

Ang membership fee para sa Philippine residents ay P497 kada buwan, at P997 kada buwan naman para sa international residents. Mura na ‘di ba? Kung kaya mong gumastos ng mahigit sa P500 kada buwan para sa malamig na kapeng may foam o sa tsaang may yelo at gatas, I’m sure sisiw lang sa’yo ang membership fee ng TRC!

Ngayon, kung nag member ka at hindi mo nagustuhan ang Truly Rich Club, just send them an email within 30 days of your sign-up and they will refund your payment. Walang tanong tanong at walang kadramahan nilang ibabalik ang iyong binayad.

But wait, there’s more! You can also earn online as an affiliate. Ang bawat miyembro ng Truly Rich Club ay may kanya kanyang affiliate link. Ang link na ito ay pwede mong i-share sa mga kaibigan mo at kapag sumali sila sa TRC gamit ang iyong affiliate link, meron kang komisyon sa bawat buwan na miyembro sila. O ‘di ba, may passive income ka na agad!

So paano, kita kits sa Truly Rich Club ha. Add mo agad ako sa friends list mo! 😀

Ang Strategic Averaging Method…Bow!

Ngayon naman ay ipapaliwanag ko sa inyo kung ano ang Strategic Averaging Method.

Ang Strategic Averaging Method — SAM, for short — ay ang strategy na sinusunod ng mga miyembro ng Truly Rich Club. Kagaya rin ito ng Peso Cost Averaging kung saan ay regular kang bibili ng stocks in fixed amount. Mas “strategic” nga lang ang SAM.

The Strategic Averaging Method
The Strategic Averaging Method

Sa Peso Cost Averaging, tuloy tuloy lang ang pagbili mo ng stocks kahit mataas ang presyo nito. Sa SAM naman,  patuloy ka lang sa pagbili hangga’t nasa Buy Below Price ang presyo ng stocks. Sa pamamagitan ng buy below price, makakasiguro kang puro sa mababang halaga mo lang mabibili ang iyong mga stocks. Siyempre, kapag laging mababa ang presyo ng pagkabili mo, mas lalong bababa ang magiging Average Price mo. At ano ang ibig sabihin kapag mababa ang average price? Tiba tiba ka n’yan ateng! 😀

Ang mga miyembro ng Truly Rich Club ay tumatanggap dalawang beses sa isang buwan ng Stocks Update newsletter.

The Stocks Update
The Stocks Update

Ang stocks update ay naglalaman ng mga sumusunod:

  • Stock – ang sampung kumpanyang pwede mong pagpilian para pagbilhan ng stocks.
  • Current Price – ang kasalukuyang presyo ng mga stocks.
  • Buy Below Price – tuloy ka lang sa pagbili ng stocks kapag ang current price nito ay mas mababa sa buy below price. Kapag ang current price ay tumaas sa buy below price, tigil ka muna sa pagbili.
  • Target (Selling) Price – kapag ang current price ng isang stock ay kapantay o mas mataas sa target price nito, ito ang indikasyon para ipagbili mo na ang iyong stocks. Siguradong tumubo na ang pera mo.
  • Action to Take – ito ang payo ng Truly Rich Club kung ano ang dapat mong gawin sa iyong mga stocks.

Sa pamamagitan ng stocks update, ikaw ay ginagabayan sa kung ano ang eksaktong gagawin tungkol sa iyong stocks. Wala ka nang  kailangang gawin kundi ang sundin kung ano ang nasa stocks update. Sobrang dali, ‘di ba?

At bakit mo pagkakatiwalaan ang stocks update? Dahil ang nasa likod nito ay si Bro. Bo Sanchez at si Mr. Edward Lee. Si Bro. Bo ay isang kilalang lay preacher and missionary, habang si Mr. Lee naman ay ang chairman at founder ng CitisecOnline, ang aking online broker of choice.

Si Mr. Lee ang mentor ni Bro. Bo at s’ya ang nagbibigay ng mga research at mga technical na detalye tungkol sa mga kumpanya. Si Bro. Bo naman ang nagta-translate sa mga ito para gawing simple at madaling maintindihan ng mga investors na katulad natin. Sa madaling sabi, ikaw ay ginagabayan ng dalawang “masters” ng stock market.

Narito ang mga hakbang para sa SAM:

1. Invest Small And Slowly

Mag-invest ka lang sa halagang komportable ka. ‘Wag mong pilitin kung hindi kaya. Ang minimum na pwede mong i-invest para sa SAM ay P5,000. Sapat na ang halagang ito para ikaw ay makabili ng stocks ng isang kumpanya. Kung ang kaya mong maipon sa isang buwan ay mas maliit dito, ipunin mo ito hanggang makabuo ka ng P5,000 at saka ka bumili ng stocks.

Kung may malaki kang perang naipon na pwede mong gamitin sa pag-invest, ‘wag mo itong ibili ng stocks sa isang bilihan lang. Halimbawa, kung ang pera mo ay mas maliit sa P300,000, hatiin mo ito sa anim na parte at i-invest mo ang isang bahagi nito kada buwan. Kung mas malaki sa P300,000 ang iyong ipon, hatiin mo ito sa 12 parts, at i-invest mo ang isang bahagi nito kada buwan sa loob ng isang taon.

2. Buy At Buy Below Prices

Ang Buy Below Price ang magsasabi kung kelan bibilhin ang stock. Hangga’t mas mababa sa buy below price ang kasalukuyang presyo ng stock, patuloy ka lang sa pagbili nito ng regular — every month, every quarter, every 6 months, or every year.

3. Stop Buying When Prices Go Beyond Buy Below Price

Kapag ang kasalukuyang presyo ng isang stock ay mas mataas sa buy below price, ang ibig sabihin nito ay ititigil mo na ang pagbili ng stocks. Pero kapag bumaba ulit ang kasalukuyang presyo sa buy below price, pwede ka nang bumili ulit.

Kaya ito ginagawa ay para masiguradong sa mababang presyo mo lang lagi mabibili ang mga stocks, nang sa ganon ay mapanatiling mababa ang average price nito.

4. Wait For The Target Price. Sell When The Target Price Is Hit.

Ang Target Price ay ang inaasahang magiging presyo ng isang stock sa kalaunan, batay sa performance ng kumpanya.

So, kapag lumampas na ang presyo ng stocks sa buy below price, wala ka nang ibang gagawin kundi ang maghintay hanggang sa maabot nito ang target price. Sa puntong ito, ibayong pasensya ang kailangan dahil ang pagtaas ng presyo ng isang stock ay minsan inaabot ng ilang buwan.

Hindi mo naman kailangang bantayan bawat araw ang presyo ng stocks dahil kapag ang target price ay naabot na, ang Truly Rich Club ay magpapadala sa’yo ng Stocks Alert. Ang Stocks Alert ay isang e-mail na magsasabi sa’yo kung kailangan mo nang ipagbili ang iyong mga stocks.

Kapag naabot na ang target price ng isang stock, ipagbibili mo ngayon ang lahat ng shares mo dito. Ibig sabihin, siguradong kumita na ang iyong pera and you are one step closer to becoming a millionaire, taray ‘di ba?

5. Reinvest To Other SAM Stocks.

Kapag naabot na ng isang stock ang kanyang target price, mawawala na ito sa stocks update at papalitan ito ng bagong kumpanya.

Ano ngayon ang gagawin mo sa perang kinita mo? ‘Wag mo itong i-withdraw! Instead, ibili mo ito ng ibang stocks na nasa listahan ng stocks update, kung saan ang presyo ay mababa sa buy below price.

Kapag ginawa mo ito, hinahayaan mong kumita ang iyong kita. Yung kinita mo ay kikita ulit, at kikita pa ulit, at kikita pa ng paulit-ulit. Gets mo? Ang konseptong ito ay tinatawag na “compounding” at ito ang isa sa mga susi para ikaw ay maging milyonaryo sa stock market.

“Stick to SAM’s system no matter what, even in times of crisis.”

Ang mga nabanggit ko sa itaas ay ang ating “treasure map” para makamit ang ating mga layunin sa pag invest. Ang kailangan lang ay sundin ang mga hakbang na ito na may kasamang disiplina. Ganon lang ito ka-simple. Sundin mo lang ito at isang araw ay magbubunga din ang iyong disiplina. Asahan mo ang araw na iyon!

Narito ang link tungkol sa Truly Rich Club.

Paano Ba Mag Invest?

Ito talagang mga friendship ko sa Facebook, masyadong nag mamadali. Kinukulit akong turuan ko na daw sila kung paano mag start mag invest sa stock market. Ang balak ko pa naman eh turuan ko muna kayo kung paano maging ready mentally, financially, at emotionally, para pag dumating na ang mga blessings eh hindi kayo ma-shock, chause!

Nakaka pressure lang ha. Pero kung sabagay, bagsak ngayon ang stock market at ibig sabihin nito para sa mga long-term investors na katulad natin ay SALE! SALE! SALE! Malalaman n’yo in the near future kung bakit imbes na matakot kayo kasi bagsak ang stock market, eh dapat matuwa pa kayo.

So ganito na lang ang gagawin ko. I will layout the “Lesson Plan” for you tapos iisa-isahin ko itong e-explain sa mga susunod na posts. Take note, hindi pa ito complete. Ito pa lang ang journey ko so far, at siguradong madadagdagan pa ito as I learn more, and share more, with you.

So, are you ready? Letsago! I-click mo lang ang mga links sa ibaba para mabasa ang bawat post. 😀

Introduction: Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa?

Iti-tsismis ko dito ang mga financial difficulties namin ng life partner ko, at kung paano kami natutong hawakan ng maayos ang aming kaunting yaman. Oo, kaunti lang. Like 3M lang, ganyan. Hindi 3 million ha, kasing kapal lang ng 3M na Post-Its ang yaman namin… chause! Click here!

STEP 1: Investing. Wait… What?!

Ipapaliwanag ko dito kung paano madadagdagan ang iyong kita nang hindi na kailangan mag overtime. Weh, pwede ba yun? Oh yes naman, ‘no! Click here!

STEP 2: Goals of Investing

Eh bakit mo nga ba gusto mag invest, ha? Syempre dapat may goal tayo kung bakit tayo mag i-invest, ‘di ba? Bakit ka ba nag-iipon ng pera sa bangko, sa alkansya, sa posteng kawayan ng balur mo? Kaibigan… usap tayo. Click here!

STEP 3: Ano Ba Talaga Ang Stock Market?

Ibinunyag ko dito ang misteryong bumabalot sa stock market. Marami kasing nahihilo, nasusuka, at dinudugo ang ilong kapag narining na nila ang salitang “stock market”. Samahan mo pa ito ng salitang “investment”… wala na, patay na! Click here!

STEP 4: Mga Estratehiya Para Sa Long-Term Investing

Pagkatapos nating matutunan ang tungkol sa Philippine Stock Market, ituturo ko naman sa inyo ang iba’t ibang paraan ng pag invest dito. Click here!

Isa rin ito sa mga estratehiya para sa long-term investing. Sinadya ko lang itong ihiwalay dahil ang strategy na ito ay para lamang sa mga miyembro ng Truly Rich Club, kung saan ako ay nabibilang. I suggest na basahin mo rin ito kahit hindi ka member ng TRC, para malaman mo ang difference nito sa ibang strategies. Click here!

STEP 6: Ano Ang Truly Rich Club?

Ang Truly Rich Club ay ang aking gabay sa pag invest sa stock market. They give me advice on what to do with my stocks. Bibili pa ba ako ng stocks sa Jollibee, tigil muna sa pagbili, or ibebenta ko na ba lahat ng shares ko? Ang TRC ang tumutulong sa mga investment decisions ko.

But wait, there’s more! Hindi ka lang nila tutulungan sa mga investments mo. May mga newsletters, ebooks, at audio seminars din sila ni Bro. Bo Sanchez na pinapadala sa’yo kada buwan para pati spiritual life mo eh ma-enhance… taray! Click here!

STEP 7: Ano Ang COL Financial?

Ang COL Financial ay isa sa pinaka malaking online brokerage companies sa Pilipinas ngayon. Ituturo ko sa inyo dito kung paano mag open ng account sa kanila, kung paano bumili ng stocks, kung paano mag benta ng stocks, at kung paano mo kukunin ang iyong kinitang pera. Click here!