Paano Ba Mag Invest?

Ito talagang mga friendship ko sa Facebook, masyadong nag mamadali. Kinukulit akong turuan ko na daw sila kung paano mag start mag invest sa stock market. Ang balak ko pa naman eh turuan ko muna kayo kung paano maging ready mentally, financially, at emotionally, para pag dumating na ang mga blessings eh hindi kayo ma-shock, chause!

Nakaka pressure lang ha. Pero kung sabagay, bagsak ngayon ang stock market at ibig sabihin nito para sa mga long-term investors na katulad natin ay SALE! SALE! SALE! Malalaman n’yo in the near future kung bakit imbes na matakot kayo kasi bagsak ang stock market, eh dapat matuwa pa kayo.

So ganito na lang ang gagawin ko. I will layout the “Lesson Plan” for you tapos iisa-isahin ko itong e-explain sa mga susunod na posts. Take note, hindi pa ito complete. Ito pa lang ang journey ko so far, at siguradong madadagdagan pa ito as I learn more, and share more, with you.

So, are you ready? Letsago! I-click mo lang ang mga links sa ibaba para mabasa ang bawat post. 😀

Introduction: Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa?

Iti-tsismis ko dito ang mga financial difficulties namin ng life partner ko, at kung paano kami natutong hawakan ng maayos ang aming kaunting yaman. Oo, kaunti lang. Like 3M lang, ganyan. Hindi 3 million ha, kasing kapal lang ng 3M na Post-Its ang yaman namin… chause!

STEP 1: Investing. Wait… What?!

Ipapaliwanag ko dito kung paano madadagdagan ang iyong kita nang hindi na kailangan mag overtime. Weh, pwede ba yun? Oh yes naman, ‘no!

STEP 2: Goals of Investing

Eh bakit mo nga ba gusto mag invest, ha? Syempre dapat may goal tayo kung bakit tayo mag i-invest, ‘di ba? Bakit ka ba nag-iipon ng pera sa bangko, sa alkansya, sa posteng kawayan ng balur mo? Kaibigan… usap tayo.

STEP 3: Ano Ba Talaga Ang Stock Market?

Ibinunyag ko dito ang misteryong bumabalot sa stock market. Marami kasing nahihilo, nasusuka, at dinudugo ang ilong kapag narining na nila ang salitang “stock market”. Samahan mo pa ito ng salitang “investment”… wala na, patay na!

STEP 4: Mga Estratehiya Para Sa Long-Term Investing

Pagkatapos nating matutunan ang tungkol sa Philippine Stock Market, ituturo ko naman sa inyo ang iba’t ibang paraan ng pag invest dito.

Isa rin ito sa mga estratehiya para sa long-term investing. Sinadya ko lang itong ihiwalay dahil ang strategy na ito ay para lamang sa mga miyembro ng Truly Rich Club, kung saan ako ay nabibilang. I suggest na basahin mo rin ito kahit hindi ka member ng TRC, para malaman mo ang difference nito sa ibang strategies.

STEP 6: Ano Ang Truly Rich Club?

Ang Truly Rich Club ay ang aking gabay sa pag invest sa stock market. They give me advice on what to do with my stocks. Bibili pa ba ako ng stocks sa Jollibee, tigil muna sa pagbili, or ibebenta ko na ba lahat ng shares ko? Ang TRC ang tumutulong sa mga investment decisions ko.

But wait, there’s more! Hindi ka lang nila tutulungan sa mga investments mo. May mga newsletters, ebooks, at audio seminars din sila ni Bro. Bo Sanchez na pinapadala sa’yo kada buwan para pati spiritual life mo eh ma-enhance… taray!

STEP 7: Ano Ang COL Financial?

Ang COL Financial ay isa sa pinaka malaking online brokerage companies sa Pilipinas ngayon. Ituturo ko sa inyo dito kung paano mag open ng account sa kanila, kung paano bumili ng stocks, kung paano mag benta ng stocks, at kung paano mo kukunin ang iyong kinitang pera.

Scam Na Naman!!!

Hi mga bes! May bagong video si Bro. Bo Sanchez tungkol sa mga scam na ginagamit ang pangalan at picture nya.

Mag ingat po tayo.

Panoorin nyo po ang video sa ibaba para malaman kung paano maiiwasan ang scam na ito.

Meron din po akong sinulat kung Paano Maiiwasan Ang Investment Scam.

Sa mga nagtatanong, isa po akong member ng Truly Rich Club at ang website ko po ay http://esthonwood.trulyrichclub.com

FREE TrulyRichClub Stock Market Webinar

Mga bes, magkakaroon ulit ng libreng Stock Market Webinar si Bro. Bo ngayong darating na December 18, 2016 at 2:00PM.

Plus, guest nya ang isa sa kanyang mga mentors na 42 years nang nag i-invest sa stock market. Ituturo nya ang lahat ng kanyang nalalaman kung paano ka makakapag retire na isang multimillionaire. Hongtoroy!

Click na dito to join, mga bes!

Paano Maiiwasan Ang Investment Scam?

Nakakalurkey, may mga nabiktima na naman ng investment scam!

Kamakailan lang ay napanood ko sa news ang tungkol kay Jose Cecilio Peñaflor na dating empleyado ng Philippine Stock Exchange. Nahikayat nya ang ilang ordinaryong investors na ipagkatiwala ang kanilang pinaghirapan at pinagpagurang pera sa kanya para sya ang mag invest nito. Ngayon, hinahabol sya ng mga naloko nya. Ang halaga ng kanyang natangay? Humigit kumulang na P330 milyon lang naman. Hay, grabeness!

Bakit nga ba naglipana ang mga ganitong scams?

Ang sagot: Dahil karamihan sa atin ay gusto ng madali o shortcut. Ayaw magpagod pero gusto agad ng hayahay na buhay. Hangga’t may mga taong gustong i-asa sa iba ang pag i-invest, hindi mawawala ang scam.

Kadalasang sinasabi ng mga scammer, “Ako ang bahala sa pera mo. I-invest ko yan sa churvaness at siguradong kikita ka ng doble o triple, pramis!”

Ang nakakalungkot ay kadalasang napapaniwala ng mga ito ang mga ordinaryong investors.

Stop giving your money to other people to make it grow for you. Do it yourself!

Kaya nga napaka importante ng Truly Rich Club eh, dahil tinuturuan nito ang mga masisipag na Pinoy kung paano mag invest ng hindi inaasa sa iba.

Narito pa ang tatlong “red flags“ ng investment scam:

1. Absurd Promised Returns (Nakakawindang Na Kita)

Ayon sa news report, may isang kamag anak si Peñaflor na nag invest ng P120,000 at sa loob lamang ng kalahating buwan ay kumita sya ng P180,000. Kaya naman ay nag invest pa ulit sya ng P300,000 at sa loob ulit ng kalahating buwan ay kumita sya ng P450,000. Ang totoo, hindi naman talaga binigay sa kanya ang kinita nya. Sinabihan lang sya na, “Ito ang halaga ng kinita mo. Gusto mo pa bang mag invest ng mas malaki?”

Ganyan din ang ginawa ng ibang scammers gaya ng Emgoldex, Aman Futures, at Legacy. Meron ding isang kumpanya sa Batangas na nanghikayat na mag invest ang bawat miyembro nila ng P888, at sa loob lamang ng apat na araw ay makakatanggap sila ng P1,300. Naglaho din na parang bula ang kumpanyang iyon, kasama ang P3 bilyong pisong naharbat nila sa mga tao.

Tandaan: Kapag sobrang laki ng kikitain mo sa loob lamang ng kaunting panahon, magtaka ka na. O kaya… takbo na!!!

If it’s too good to be true. It probably is!

2. Returns Are Guaranteed (Kung Makapangako, Wagas!)

Ang mga scammers na ito ay mag i-issue ng mga certificates o kaya ay post dated checks (PDCs), para makumbinse ka na garantisado ang iyong kita. Makukumbinse ka talaga dahil hawak mo na mismo ang certificate o PDC na nakalagay ang pangalan mo at ang halaga ng kinita mo! Ang problema, malalaman mo na lang na yung certificate pala na yun ay walang bisa, at ang checkeng hawak mo ay tumalbog.

Tandaan: Walang garantisado sa mundo. Lalo na sa investment, walang forever!

3. The First Investment Grew, But They Invite You To Invest More (Hashtag: InvestPaMore?)

Usually sa mga ganitong scam, kikita ng malaki ang unang perang ininvest mo. At yun nga, bibigyan ka nila ng certificate or PDC — minsan ay cash mismo ang ibibigay sayo — at pagkatapos ay tatanungin ka, “Gusto mo bang mag invest pa more?” Syempre ikaw naman papayag. Kumita ka agad ng malaki eh! So why not, chocnut?

Tandaan: Ang tanging sandata laban sa mga scams ay ang financial education. Aral aral din pag may time!

Kailangan matuto tayong mga Pinoy kung paano ang tamang pag invest para hindi natin ipagkatiwala sa ibang tao ang pinaghirapan at pinagpagurang pera. Kaisa ako at ang Truly Rich Club para tulungan kayong matuto sa tamang pamamaraan ng pag invest. Basahin nyo lamang po ang mga posts ko sa blog na ito at ‘wag po kayong mag atubiling magtanong sa akin.

Good luck and God bless 😀

Paano Sumali sa TrulyRichClub?

Hello! Alam mo na ba kung ano ang TrulyRichClub at kung ano ang koneksyon nito sa iyong stock market investment? Kung hindi pa, click this link. Kung alam mo na ang tungkol dito at interesado kang sumali, narito ang mga hakbang:

1. I-click mo ang link na ito.

2. Sa pag load ng page, may lalabas na popup tungkol sa libreng eBook ni Bro. Bo Sanchez. Ito ay tungkol sa kanyang mga milyonaryong katulong at driver. O ‘di ba, ang taray? Mag sign up ka lang kung gusto mo itong basahin.

Screen Shot 2015-05-13 at 2.04.31 PM

I-close mo ang popup by clicking on the “X” button sa kanang itaas nito o kaya ay i-press mo ang “Escape” key sa iyong keyboard.

3. Pwede mong basahin ang buong page or scroll mo lang pababa hanggang makita mo ito:

Screen Shot 2015-05-13 at 2.12.12 PM

4. Kapag ikaw ay nasa Pilipinas, i-click mo ang “Philippine Residents” button. Kung ikaw naman ay nasa ibang bansa, i-click mo ang “International Residents” button.

5. Ikaw ay mapupunta sa panibagong page. Sa bandang dulo ng page na ito ay may form:

Screenshot 2015-05-13 14.26.34

I-type ang iyong buong pangalan at e-mail address at pagkatapos ay i-click mo ang “Join Now!” button. May matatanggap kang e-mail galing sa TrulyRichClub na may karagdagang instructions.

Tadah! 🙂

Paano Mag Open Ng COL Account Para Sa Mga Minors?

Maraming magulang at ilang estudyante ang nagtatanong sa akin kung paano mag open ng COL Financial account para sa mga menor de edad (below 18 years old), kaya naisipan kong gumawa ng post tungkol dito.

Ang COL account para sa mga minors ay tinatawag na In-Trust-For Account o ITF Account. Ito ay para sa mga magulang na gustong gawing beneficiary ang kanilang mga anak. Magkaparehas lang halos ang pag open ng ITF account sa kung paano mag open ng COL account.

Ang pagkakaiba lang ay:

1. Sa pag fill up ng form, ang magulang ang dapat na nakalagay sa Primary Account Holder, at ang anak bale ang Secondary Account Holder. Ganon din sa pag pirma ng mga pangalan. Lalagdaan ng magulang ang unang linya, at sa pangalawang linya naman lalagda ang anak.

2. Kailangang kasama sa mga application documents ang ITF Supplementary Agreement form. Click here para ma-download ang form.

3. At syempre pa, mga photocopy ng mga sumusunod:

Magulang:
* Any government issued ID (dapat may picture at signature).
* Billing Statement (yung pinakabagong statement na nakapangalan sa magulang).

Anak:
* Birth certificate (NSO certified para walang problema).

But wait, there’s more! Dapat ang Primary Account Holder ay biological parent o tunay na magulang ng bata. Kung hindi, kailangang mag submit ng adoption papers or court papers na nagpapakita na ang magulang ang legal guardian ng bata.

Kapag ang minor ay major na, este, kapag na reach na ng anak ang age of maturity, pwede nang i-convert ng magulang ang kanyang account para gawing:
1. Joint Account; o kaya naman ay
2. Individual Account na nakapangalan sa anak.

Kung may mga katanungan kayo na hindi ko nasagot sa itaas, maaari ninyong ma-contact ang COL Financial dito. Sila ang guluhin nyo, ‘wag ako. Charot! Joke lang po. Peace tayo! 😀

Paano Mag Withdraw Ng Pera Mula Sa Iyong COL Financial Account?

So ‘eto na nga mga friendship ang inaabangan ng lahat: kung paano aanihin ang iyong kayamanan! At ‘eto pa ha… sobrang napakadali nitong gawin! As in like, you know, like sobrang easy nya talaga ahahahaha (tawang Kris Aquino lang ang peg)!

Pero wait lang. Since tayo ay mga long-term investors (at TrulyRichClub members?), kailan ba malalaman ang tamang panahon para pwede na nating anihin ang ating investment? Well, depende yan sa ating mga goals sa pag invest. Ano ano ang mga itey? Basahin mo dito, teh. 🙂

Osha, simulan na natin. Bago mo syempre ma-withdraw ang iyong pera mula sa iyong COL account, dapat ay naibenta mo na ang ilan sa mga stocks mo.

Step 1: I-download, i-print, at sulatan ang COL Withdrawal Form. Makikita mo ito dito.

Step 2: Pagkatapos mong sulatan at lagdaan ang form, ipadala ito sa address na nakasaad sa form. Pwede mo rin itong i-send through fax or e-mail.

Take note, ang kanilang cut-off time ay 11AM. Kapag hindi nila matanggap ang withdrawal form mo bago mag 11AM, hindi ka na pwede mag withdraw sa kanila. Ever. Charot lang po hihihi. Pagkalampas ng 11AM, kinabukasan na nila ito ipa-process.

Step 3: Pagkatapos ng 3 working days ay pwede mo na itong i-pick up sa opisina ng COL. Pwede mo rin ito ipa-deposit sa iyong bank account, kung gusto mo.

Step 4: At ang pinaka importante sa lahat: yung balato ko ha? hihihi 😀