Monthly Archives: September 2013

Paano Mag Open Ng COL Financial Account?

Pinapayuhan ng COL Financial ang bawat Juan na dumalo sa kanilang libreng Easy Investment Program (EIP) seminar bago mag open ng account.

Ito ay para mas lalo mong maintindihan kung paano mag invest ng long-term sa stock market sa pamamagitan ng peso cost averaging strategy o ng strategic averaging method ng Truly Rich Club.

Pero kung ikaw ay nasa abroad, nasa probinsya, o sobrang busy sa trabaho at hindi makapunta sa Philippine Stock Exchange sa Pasig City, narito ang mga hakbang para ikaw ay makapag open ng account sa COL:

Step 1: Buksan mo ang iyong paboritong browser at i-type ito sa address bar: http://www.colfinancial.com

Step 2: Kapag bumukas na ang website ng COL Financial, i-click mo ang “Open an Account” link.

May 3 klase ng COL accounts na pwede mong i-open, depende sa kung anong klaseng investor ka:

COL Account Types
COL Account Types
  • COL STARTER – para sa mga long-term investors
  • COL PLUS – para sa mga traders
  • COL PREMIUM – para sa mga hardcore na investors

Para sa mga long-term investors na kagaya natin, ang COL Starter account ang angkop para sa’yo. P5,000 lang ang halagang kailangan para dito.

Step 3: I-click mo ang “DOWNLOAD ALL FORMS” link sa ilalim ng Option 2, para ma-download ang PDF file ng application form.

COL Application Form
COL Application Form

Step 4: I-print mo ang PDF file at fill up-an ito at lagdaan.

Step 5: Basahin at ihanda ang mga requirements at ipadala ito kasama ng application form sa:

COL BUSINESS CENTER
2403-B East Tower, PSE Centre
Exchange Road, Ortigas Center,
Pasig City, Philippines 1605

Step 6: Antayin ang tawag o e-mail galing sa COL sales officer para malaman ang iyong COL Account Number, at kung pwede mo nang pondohan ang iyong account.

Paano Mag Register Para Sa Libreng EIP Seminar?

COL Financial
COL Financial

Isa sa mga advocacies ng COL Financial ay ang pagpapalaganap ng financial literacy sa bawat Pilipino. At kagaya ko, agresibo sila pagdating dito kaya sila ang pinili ko as my online broker.

Isa sa mga paraan para mapalaganap nila ang financial literacy ay ang pagsasagawa ng mga libreng seminars para matulungan ang bawat Pilipino na palaguin ang kanilang hard-earned money sa pamamagitan ng pag invest sa stock market. Isa sa mga ito ay ang Easy Investment Program or EIP seminar.

“The Easy Investment Program introduces the use of cost averaging to make investing in the stock market simple, convenient, and affordable for anyone.”

May tatlong madaling paraan para mag register sa EIP seminar, at ito ay ang mga sumusunod:

Online

Step 1: Buksan mo ang iyong paboritong browser at i-type ito sa address bar: http://www.colfinancial.com

Step 2: Kapag bumukas na ang website ng COL Financial, i-scroll down mo ang pahina hanggang sa pinakailalim.

Step 3: I-click mo ang “Attend our Free Seminars” link.

Step 4: I-click mo ang “COL Easy Investment Program” link.

Step 5: Makikita mo dito ang schedule at venue ng EIP seminar. Kung gusto mong dumalo sa seminar sa umaga, i-click mo ang “Register for a Morning Session” link. Kung sa hapon naman, i-click mo ang “Register for an Afternoon Session” link.

Step 6: Basahin at tandaan kung saan gaganapin ang seminar at kung ano ang tamang kasuotan. Ang dress code ay Smart Casual. Ang ibig sabihin, bawal ang:

  • Sando
  • Shorts (pekpek shorts included)
  • Tsinelas (Habayanas man ‘yan o Ispartan)
  • Swimsuit

Step 7A – Morning Session: Piliin ang petsang gusto mo at fill up-an ang buong form.

Step 7B – Afternoon Session: Piliin mo ang COL Easy Investment Program at fill up-an ang buong form.

Step 8: COL Financial Client o COL Customer? Kung wala ka pang COL account, piliin mo ang “No”. Kung meron na, piliin ang “Yes”.

Step 9: I-click mo ang “Submit” button. May makikipag-ugnayan sa’yo na isang COL Financial representative para i-confirm ang iyong schedule.

E-mail

Kailangan mo pa ring puntahan ang kanilang website (steps 1 to 6) para malaman ang schedule ng seminar.

Ipadala mo ang mga sumusunod na impormasyon sa seminars@colfinancial.com:

  • Kompletong pangalan
  • Schedule ng seminar
  • Cellphone o telephone number

Telephone

Kung gusto mo namang magpa-register sa pamamagitan ng telepono, pwede mong tawagan ang kanilang business center sa numerong (02)651-5888.

Ano Ang COL Financial?

Ngayong nabasa n’yo na ang mga dapat malaman tungkol sa investing, ready na ba kayong pagtrabahuhin ang inyong kaperahan? Basahin ang nasa ibaba, now na. Go, go, go! :D

Kagaya ng nabanggit ko sa aking post tungkol sa stock market, ang online brokers ay ang mga tindero at tindera ng mga stocks. Maraming mga online brokers dito sa Pilipinas pero ang COL Financial ang aking online broker of choice.

COL Financial
COL Financial

Ang COL Financial — dating CitisecOnline — ay ang nangungunang online stockbrokerage firm sa Pilipinas. Ito ay itinatag noong 1999 ni Edward K. Lee.

Edward Lee
Edward Lee

At sino naman itong si Edward Lee, aver? Well, unang-una nuknukan s’ya ng yaman. Pero hindi n’ya ito minana. He had to build it up himself! Kumbaga eh, isa s’yang self-made billionaire. Taray ng lolo, ‘di ba? Charaught!

Hindi rin s’ya masyadong matalino sa school. Ang sabi pa nga n’ya na kaya lang s’ya pumasa ay dahil titser n’ya mismo ang kanyang nanay.

Natuklasan n’ya ang tungkol sa stock market noong college pa lang s’ya. At sa murang edad na 19, na bankrupt s’ya dahil dito. Dahil sa nangyaring ito, natutunan n’ya kung paano mag invest sa stock market sa tamang paraan.

Ngayon, isa s’ya sa mga advocates ng long-term investing lalo na sa mga baguhang investors na kagaya natin.

So, enough tsismis at simulan na ang pag yaman! In the following days, gagawa ako ng mga tutorials para sa mga sumusunod, kaya balik lang kayo dito ‘pag may time:

Paano Mag Register Para Sa Libreng EIP Seminar?
Paano Mag Open Ng COL Financial Account?
Paano Pondohan Ang Iyong COL Account?
Paano Bumili Ng Stocks?
Paano Mag Cancel Ng Order?
Paano Mag Benta Ng Stocks?
Paano Mag Withdraw Galing Sa COL Financial?

Disclaimer: Hindi po ako empleyado o ahente ng COL Financial. Hindi rin ako binabayaran (wish ko lang! hahaha) para i-recommend ko sila sa inyo. Isa lang akong happy and satisfied customer ;)

Ano Ang Truly Rich Club?

Ang Truly Rich Club ay isang online membership club kung saan ay ginagabayan ni Bro. Bo Sanchez ang kanyang mga miyembro kung paano maging mayaman sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay.

Ang pagiging tunay na mayaman ay hindi lang sa dami ng pera. Walang kwenta ang yaman mo kung wala kang malusog na pangangatawan at sapat na enerhiya para ma-enjoy mo ito. Walang kwenta ang lahat ng pera sa mundo kung mag-isa ka lang. At ano ang silbi ng pera kung puro eyebags at tagihawat ang dulot nito dahil hindi ka makatulog ng mahimbing sa gabi?

“Being truly rich is being blessed in all areas of your life.”

‘Yan ang ginagawa ng Truly Rich Club. Ginagabayan ka kung paano maging abundant when it comes to financial, relationship and spiritual aspects of your life.

Bro. Bo Sanchez
Bro. Bo Sanchez

Pero teka, sino nga ba itong si Bro. Bo Sanchez? Well, s’ya lang naman ay isang best-selling author, entrepreneur, lay preacher at millionaire missionary. Kilala si Bro. Bo as the “Preacher in Blue Jeans”. Sa murang edad na 13, s’ya ay nag pe-preach na sa harap ng maraming tao. Early on, he has dedicated his life in the service of the Lord.

Maliban sa kanyang sikat na Catholic magazine na Kerygma, itinatag n’ya ang Light of Jesus Family. Nagtayo rin s’ya ng mga foundations at isa na rito ang Anawim, na isang kanlungan  para sa mga abandonadong matatanda. Sa sobrang bait nitong si Bro. Bo, maraming nagdadasal na sana ay ‘wag muna s’ya kunin ni Lord, chause!

Karamihan sa ating mga Pinoy ay naniniwalang masama ang pera. Ganon din dati ang paniniwala ni Bro. Bo. Para sa kanya, the only way to serve the Lord is to be poor. Pero paano mo matutulungan ang mahihirap kung parehas kayong kumakalam ang sikmura?

“The ultimate purpose of wealth is to love others.”

Gusto n’yang makatulong sa mga nangangailangan kaya s’ya nagdesisyong maging mayaman. Hindi ko na ikukuwento dito kung paano n’ya ito na-achieve, dahil walang panama ang Mara Clara sa haba ng kanyang istorya hehehe.

Anyways, so ano ang kinalaman ng Truly Rich Club sa pag invest sa stock market? Two words: Stocks Update.

The Stocks Update
An example of the Stocks Update

Ang Stocks Update ay isang newsletter na pinapadala sa bawat miyembro ng Truly Rich Club, dalawang beses sa isang buwan. Ito ay naglalaman ng isang listahan ng mga stocks na recommended ng Truly Rich Club. Nakalagay din dito ang kasalukuyang presyo ng stocks, Buy Below Price, Target Price, at ang payo kung ano ang gagawin mo sa bawat stock. Ang mga ito ay ginagamit para sa Strategic Averaging Method o SAM, na isa sa mga estratehiya para sa long-term investment.

Maliban sa stocks update, narito pa ang ilang mga bagay na matatanggap mo bilang miyembro ng Truly Rich Club:

1. Free eBooks

Marami nang nai-publish na mga libro si Bro. Bo, at isa na rito ang “My Maid Invests in the Stock Market” na isang true story. Tinuruan n’ya ang kanyang mga kasambahay at driver na mag invest sa stock market. Ang bali-balita sa ngayon ay may ilang daang libo na ang halaga ng investments ng kanyang mga katulong at driver. Naniniwala si Bro. Bo na kung kaya n’yang turuan ang kanyang mga maids na mag invest, kaya n’yang turuan ang kahit na sino.

Ang ilan sa mga libro ni Bro. Bo na mabibili sa mga bookstores ay libreng mababasa ng mga TRC members.

2. Power Talks

Ito ay mga recordings ng kanyang mga seminars at preachings tungkol sa mga bagay na dapat mong gawin at baguhin, para makamit mo ang buhay na gusto mo. Nakakaaliw at nakakatawang pakinggan si Bro. Bo sa kanyang mga seminars at preachings. Hindi s’ya boring at madaling maintindihan ang kanyang mga sinasabi.

3. Success Mentors Interview

Ito naman ang mga interviews ni Bro. Bo sa kanyang mga mentors at mga hinahangaang tao. Ang pinakauna n’yang nakapanayam ay ang kanyang mentor — at founder ng CitisecOnline — na si Mr. Edward Lee. Ikinuwento dito ni Mr. Lee kung paano s’ya naghirap dahil sa stock market at kung paano s’ya nakabangon. Wala lang, nakaka-inspire lang pakinggan hehehe.

4. Wealth Strategies Newsletter

Ito ang isa sa mga inaabangan ko bawat buwan. Ang newsletter na ito ay naglalaman ng mga ideya at mga dapat gawin para matulungan ka kung paano lumago ang iyong financial life. Marami silang tinatalakay bawat buwan tungkol sa iba’t ibang klase ng negosyo, mga insurance, mga investments at kung anek anek pa.

5. God Whispers E-mails

Dito naman ako tuwang tuwa kasi araw-araw ay nakakatanggap ako ng isang e-mail na may mensahe galing sa Diyos. O ‘di ba, high-tech na si Lord?

Actually, ito ay galing sa personal na experience ni Bro. Bo sa Diyos na sine-share n’ya araw-araw so you would be inspired, empowered and get closer to God.

6. TRC Social Network

Ikaw ba’y nalolongkot at walang makaosap? Pwes, i-post mo ang mga problemang ‘yan sa “Facebook” ng mga TRC members!

Hindi lang mga problema mo sa buhay ang tinatalakay dito. Lahat ng mga tanong mo tungkol sa stock market, insurance, investments at negosyo ay masasagot. Perfect ito lalo na kung ikaw ay baguhan pa lang sa investing kagaya ko. Napaka supportive ng mga tao dito at hindi ka maa-out of place dahil sobrang friendly silang lahat.

So, paano sumali sa Truly Rich Club? Simple lang, ‘teh!

  1. I-click mo ang picture sa ibaba tapos scroll mo ang page hanggang sa pinakadulo.
  2. Meron kang makikitang dalawang link para sa Philippine Residents at International Residents. Kung ikaw ay nandito lang sa Pinas, i-click mo ang Philippine Residents na link. Kapag nasa ibang bansa ka naman, i-click mo ang International Residents na link.

The Truly Rich Club

Ang membership fee para sa Philippine residents ay P497 kada buwan, at P997 kada buwan naman para sa international residents. Mura na ‘di ba? Kung kaya mong gumastos ng mahigit sa P500 kada buwan para sa malamig na kapeng may foam o sa tsaang may yelo at gatas, I’m sure sisiw lang sa’yo ang membership fee ng TRC, chause!

Ngayon, kung nag member ka at hindi mo nagustuhan ang Truly Rich Club, just send them an email within 30 days of your sign-up and they will refund your payment. Walang tanong tanong at walang kadramahan nilang ibabalik ang iyong binayad.

But wait, there’s more! You can also earn online as an affiliate. Ang bawat miyembro ng Truly Rich Club ay may kanya kanyang affiliate link. Ang link na ito ay pwede mong i-share sa mga kaibigan mo at kapag sumali sila sa TRC gamit ang iyong affiliate link, meron kang komisyon sa bawat buwan na miyembro sila. O ‘di ba, may passive income ka na agad!

So paano, kita kits sa Truly Rich Club ha. Add mo agad ako sa friends list mo! :D